lichess.org
Donate

BCA Pilipinas 🇵🇭

48 members

Mabuhay ang Pilipinas!
Mabuhay ang Pilipino!
Mabuhay ang BCA Pilipinas 🇵🇭

Malugod po namin kayong tinatanggap sa aming abang grupo- BCA Pilipinas 🇵🇭. Ito po ay tahanan ng mga matatapang na mandirigma at manlalaro ng ahedres. Ang aming mga miyembro ay dugong maharlika at may pagmamahal sa Diyos at sa bayan. Walang sawa po kaming magpapasalamat sa inyong pakikilahok at pagsapi sa ating samahan.

Magbigay po tayo ng walang katapusang karangalan sa ating bayang sinisita ang bansang Pilipinas. Ialay natin ang ating tagumpay at pagpupunyagi sa kanyang karangalan!

Sa ilalim na ating bandila tayo’y magkaisa at lumaban ng may pag-alab sa ating puso, damdamin at isip.

Ang grupong ito ay nabuo upang kumatawan sa BCA Philippines 🇵🇭 sa iba`t ibang mga kumpetisyon sa labas ng BCA.

Ang ating taga-pamahala ay ang “pambansang tagapag-sanay” na si NT Glenn Hullana Garcia.

Mga kinakailangan sundin:

  1. Kumpletong impormasyon (Pangalan, Edad, Kasarian at bandila ng bansang pinagmulan) sa iyong lichess profile

  2. BCA username (BCA_pangalan/edad/kasarian) halimbawa: “BCA_Juan12m”

  3. Nakapaglaro ng may 50 rated games.

  4. May magandang kalalagayan sa mga BCA admins at mga miyembro.

  5. Walang rekord o nakaraan ng posibleng pandaraya sa lichess.

Maligayang pagdating sa ating samahan. Nawa’y ang iyong pananatili sa ating grupo ay may masaya, payapa at nakabubuti sa iyong pag-unlad bilang isang manlalaro ng Chess.

Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang Pilipino! Mabuhay ang BCA Pilipinas 🇵🇭.

Tournaments

1st BCA Boys vs Girls 2022 Team Battle7+2 • Rapid • Rated • 2hBattle of 2 teams
15
PKPB Team Battle5+0 • Blitz • Rated • 2h 30mBattle of 17 teams
239
4th BCA Ph vs BCA My Team Battle3+2 • Blitz • Rated • 2hBattle of 2 teams
56
15th BCA vs International Team Battle3+1 • Blitz • Rated • 2hBattle of 7 teams
112
BCA Ph vs BCA My Team Battle3+2 • Blitz • Rated • 2hBattle of 2 teams
31